Militar at hinihinalang mga miyembro ng Maute Group muling nagkasagupa sa Lanao del Sur

By Jimmy Tamayo March 12, 2019 - 12:26 PM

Muling nagkasagupa ang pwersa ng pamahalaan at hinihinalang Maute terrorist group sa Barangay Padas, Pagayawan, Lanao del Sur.

Ayon sa ulat, nagsimula ang bakbakan alas 3:00 ng hapon ng Lunes at tumagal hanggang kinagabihan.

Dahil dito, napilitang lumikas sa kalapit na bayan ang mga residente sa naturang barangay sa takot na maipit ng sagupaan.

Hanggang kaninang umaga ay patuloy ang pagtugis ng mga sundalo sa mga miyembro ng teroristang grupo.

TAGS: Lanao Del Sur, Maute Group, Pagayawan, Lanao Del Sur, Maute Group, Pagayawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.