Phil Coast iniulat ang pagsabog sa bayan ng Balud sa Masbate

By Ricky Brozas March 12, 2019 - 12:20 PM

Isang pagsabog ang naitala sa Balud, Masbate malapit sa munisipyo nito noong Linggo ( March 10) ng gabi.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nangyari pagsabog malapit sa seawall ng Bgy Poblacion sa Balud o tinatayang 200 metro ang layo mula sa Balud Municipal Hall.

Sa lakas ng pagsabog, nawasak ang rescue boat ng LGU.

Sa paunang imbestigasyon, isang lalaki na naka-stripes na shorts at puting sweatshirt ang nakitang may dalang backpack na tumatakbo palayo sa pinangyarihan ng pagsabog.

May taas ang lalaki na tinatayang 5’5.

Wala namang nasaktan o nasawi sa nangyaring pagsabog.

Nagsasagawa narin ng imbestigasyon ang PNP para matukoy kung anong klaseng pampasabog ang ginamit, ano ang motibo at sino ang suspek sa krimen.

TAGS: bALUD, coast guard, Masbate, bALUD, coast guard, Masbate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.