Seungri ng Big Bang, inanunsyo ang pagreretiro matapos masangkot sa kontrobersiya

By Dona Dominguez-Cargullo, Liberty Alcanar - Radyo Inquirer intern March 12, 2019 - 11:21 AM

Inanunsyo ng K-pop star na si Seungri ng Big Bang ang pagreretiro na kasunod ng kinasangkutang kontrobersiya.

Inanunsyo ni Seungri ang pagreretiro sa kanyang Instagram account.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga pulis si Seungri dahil sa alegasyon ng pagkuha ng mga prostitute para sa kanyang mga dayuhang investor noong 2015.

Ayon sa Korean police ang imbestigasyon ay kaugnay sa online report noong Martes na sinasabing inutusan umano ng Big Bang member ang mga empleyado nito na bumili ng sex services para kanyang mga investors mula Taiwan.

Itinanggi naman ni Seungri ang mga alegasyon.

Ayon sa talent agency ng singer na YG Entertainment, hindi totoo ang mga bintang at magsasampa sila ng kaso sa mga nagpapakalat ng mga maling balita.

Inaasahang magsisimula si Seungri sa kanyang mandatory military service pagkaraan ng dalawang buwan.

TAGS: Big Bang, Kpop, Seung ri, Big Bang, Kpop, Seung ri

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.