Ipinag-utos na ng Department of Agriculture (DA) ang pagsasagawa ng cloud seeding upang maibsan kahit papaano ang epekto ng El Niño.
Ayon kay DA Sec. Manny Piñol, inatasan na niya si Usec. Ariel Cayanan upang abisuhan ang DA Regional Offices na magpatupad ng cloud seeding operations.
Inatasan din si Cayanan na makipag-ugnayan sa Philippine Air Force para sa gagawing cloud-seeding operations sa Bulacan, Pampanga at Rizal.
Layunin nitong masuplayan ng tubig ulang ang La Mesa Dam na patuloy na bumababa ang water level dahil sa walang nararanasang pag-ulan.
Sinabi ni Piñol na isang helicopter pilot ang kaniyang nakausap at sinabi nitong kailangan lang na magkaroon ng tamang timing sa cloud formations sa tapat ng La Mesa Dam para dito bumuhos ang ulan.