Nangyari ang insidente sa loob ng isang bahay sa St. Anthony Street, Republic Avenue, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
Agad nagsisigaw at humingi ng tulong si Diding aAvila para makuha at mahila ang sawa na nasa loob ng inidoro.
Tatlong lalaki ang nagtulong-tulong para mahuli ang sawa na tinatayang may habang mahigit sampung talampakan.
Para makuha ang sawa nilagyan ng transparent plastic ang buong inidoro para ma-trap at hindi makapalag ang sawa.
At ng makakuha ng tyempo saka dinakma ng isang lalaki ang sawa at isinilid sa sako.
Hinala ng mga barangay officials, galing sa natuyo nang creek o sa isang farm na malapit sa kanilang lugar ang sawa at dumaan ito poso negro hanggang makalabas sa inidoro.
Ang sawa ay dadalhin sa Department of Environment and Natural Resources para sa tamang pangangalaga dito.