Tulak ng droga patay, isa pa arestado sa buy-bust sa Lucena

By Dona Dominguez-Cargullo March 12, 2019 - 10:21 AM

Patay ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga habang arestado ang isa pa sa ikinasang magkahiwalay na buy-bust operation sa Lucena.

Ayon kay Supt. Reydante Ariza, hepe ng Lucena City police, nagawang makabili ng poseur buyer ng P500 halaga ng shabu sa suspek na si Luisito Castillo, 45 anyos.

Nang ito ay aarestuhin na ay nanlaban ito at nagpaputok ng baril dahilan para paputukan siya ng mga tauhan ng drug enforcement unit na kaniyang ikinasawi.

Si Castillo ang ikalima nang drug suspect na nasawi sa Lucena simula lang noong March 4.

Samantala, naaresto naman ang drug suspect na si Reynaldo Zubia, 25 anyos sa Barangay Ibabang Dupay.

Nakuha sa kaniya ang 15.6 grams ng hinihinalang shabu na may street value na P77,000.

Si Dupay ang major supplier ng ilegal na droga sa nasabing barangay at mga kalapit na lugar.

TAGS: drug suspects, Lucena City, police operations, War on drugs, drug suspects, Lucena City, police operations, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.