UFC fighter Conor McGregor inaresto sa night club sa US matapos agawin ang cellphone ng fan

By Dona Dominguez-Cargullo March 12, 2019 - 10:08 AM SHARE(S):

Arestado sa isang night club sa Miami, Florida, ang mixed martial arts fighter na si Conor McGregor.

Ang 30-anyos na si McGregor ay kinasuhan ng criminal mischief at strong-armed robbery ng Miami police matapos hablutin umano nito ang cellphone ng isang fan at saka ito tinapak-tapakan.

Iniulat sa Miami Beach police na noon ay nasa labas lamang ng LIV Nightclub ang pangyayari.

Tinangka umano ng isang fan na kuhanan ng picture si McGregor gamit ang kaniyang cellphone.

Pero nang makita siya ni McGregor ay inagaw nito ang cellphone, tinapakan, at saka tinangay pa at hindi na ibinalik sa may-ari.

Nakuhanan sa surveillance camera ang pangyayari.

Nakapaglagak naman ng $12,500 na piyansa si McGregor.

TAGS: arrested, conor mcgregor, florida, Miami, arrested, conor mcgregor, florida, Miami

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.