Halos 1M unit ng Honda babawiin sa merkado dahil sa delikadong air bags

Nakatakdang i-recall ng Honda ang nasa halos 1 milyon nilang sasakyan sa merkado sa U.S at Canada dahil sa delikadong air bags ng mga ito.

Ayon sa pahayag ng Canadian safety regulators, kabilang sa ire-recall ng Honda ay mga kilalang modelo na ang mga taon ay nasa pagitan ng 2001 at 2010.

Sinabi ng Canadian safety regulators na nasa 84,000 ang nakatakdang i-recall sa kanilang bansa at 10 times na mas mataas ang bilang sa United States.

Aabisuhan umano ang mga may-ari ng sasakyan na dalhin sa kanilang dealer ang nabiling sasakyan para mapalitan ng inflator.

Read more...