DepEd iniutos ang paghihigpit ng seguridad sa mga paaralan kasunod ng pagpatay sa HS student sa Lapu-Lapu City

By Jan Escosio March 12, 2019 - 09:27 AM

Gumawa na ng hakbang ang Schools Division Office ng Lapu-Lapu City sa Cebu para sa pagpapalakas ng seguridad sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod kasunod ng brutal na pagpatay sa isang junior high school student.

Ayon sa DepEd, inatasan ng kanilang City Division Office ang pamunuan ng mga paaralan sa lungsod na limitahan hanggang ala-5 ng hapon ang lahat ng aktibidad ng mga estudyate at payuhan ang mga bata na magdala na lang ng kanilang pagkain upang hindi na lumabas ng eskuwelahan para bumili.

Gayundin, tiyakin na may mga security cameras sa paligid ng paaralan at kung maari ay humiling ng karagdagang presensiya ng mga pulis o tanod, bukod sa paghikayat sa mga estudyante na grupo na maglakad sa kalsada lalo na kung gabi.

Kasabay nito, nagpaabot na ng pakikiramay ang kagawaran sa pamilya ng 16-anyos na estudyante ng Maribago High School.

Iniulat na nawawala ang biktima ng kanyang ina matapos nitong magsilbi sa Misa noong araw ng Linggo at kinabukasan ay nakita na ang bangkay nito, binalatan ang mukha at may mga indikasyon na pinagsamantalahan.

TAGS: Department of Education, deped, High School Student, Lapu-Lapu City, Radyo Inquirer, Department of Education, deped, High School Student, Lapu-Lapu City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.