Trailer truck naaksidente sa Maynila, mga kargang konkretong pilote humambalang sa kalsada

By Dona Dominguez-Cargullo March 12, 2019 - 07:51 AM

Contributed Photo

Isang trailer truck ang halos tumagilid makaraang bumangga sa center island sa bahagi ng Jose Abad Santos sa Tondo, Maynila.

Naganap ang aksidente Lunes, alas 10:20 ng gabi sa southbound lane ng Jose Abad Santos patungong Quiapo at hanggang ngayon ay nakahambalang pa rin sa lugar ang truck.

Ayon sa driver ng double trailer truck na si Nestor Landingin Jr., galing sila sa Marilao at patungo sa isang construction site sa Pasay.

Hindi umano niya napansin ang center island dahil walang ilaw sa lugar.

Nalaglag sa kalsada ang pitong piraso ng konkretong pilote na lulan ng trailer truck dahilan para magdulot na ito ng pagsisikip sa daloy ng traffic.

Pinagtutulungan na ng mga tauhan ng Manila Traffic Bureau at MMDA ang pagmamando ng traffic sa lugar habang hindi pa naiaalis ang mga humambalang na pilote at ang truck.

TAGS: Abad Santos Manila, accident, Radyo Inquirer, Tondo, Abad Santos Manila, accident, Radyo Inquirer, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.