900 pamilya naapektuhan sa sunog sa Baesa, Quezon City; 3 residente ang nasugatan
Umabot sa 900 pamilya ang naapektuhan sa sunog na tumupok sa tinatayang nasa 300 mga bahay sa Barangay Baesa sa Quezon City, Lunes (Mar. 11) ng hapon.
Umabot ang sunog bahagi ng Sitio Pajo sa Task Force Bravo bago ito tuluyang naapula.
Sugatan naman ang tatlong residente na sina Jeoffrey Jersy, 36; Vandolf Lagnedad, 16; at Franklin Gacutan na pawang nasugatan sa kanilang paa.
Sa inisyal na ulat ng Quezon City Fire Department sa kwarto ng isang bahay nagmula ang apoy.
Isang lalaki naman ang dinampot ng mga barangay tanod sa lugar matapos itong ituro ng mga residente na siyang umanong pinagmulan ng sunog.
Tinatayang aabot sa P1.5 million ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.