Call center agent natagpuang patay sa Bulacan; menor de edad na suspek arestado

By Dona Dominguez-Cargullo March 12, 2019 - 06:39 AM

Police banner
Isang call center agent ang natagpuang patay sa loob ng isang abandonadong bahay sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Ang 32 anyos na lalaking biktima ay duguan at walang suot na pang-ibaba nang matagpuan.

Agad namang naaresto ng mga otoridad sa ikinasang follow-up operation ang isang menor de edad na suspek.

Kwento ng menor de edad na suspek, binisita siya ng biktima Linggo ng gabi at inumpisahan siya nitong yakapin at halikan.

Sinubukan umano niyang pigilan ang biktima pero nagpatuloy ito.

Dahil dito hinataw niya ang biktima sa ulo hanggang sa mapatay niya ito.

Inamin ng suspek na siya ay tumakas sakay ng motorsiklo matapos ang krimen.

Nakuhanan din ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang suspek nang siya ay madakip.

TAGS: Bulacan, crime, Murder, police, police report, san jose del monte, Bulacan, crime, Murder, police, police report, san jose del monte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.