Algerian President Bouteflika hindi na tutuloy sa kandidatura para sa ikalimang termino

AP file photo

Hindi na tutuloy pa sa kanyang kandidatura para sa ikalimang termino si Algerian President Abdelaziz Bouteflika.

Ang anunsyo ng presidente ay matapos ang malawakang kilos-protesta ng daan-daang libong Algerians para itigil na ang pamumuno ng presidente.

Hawak ng presidente ang posisyon mula pa taong 1999 ngunit hindi ito nakikita ng publiko matapos ma-stroke noong 2013.

Kinukwestyon ng mga mamamayan ang kakayahan ni Bouteflika na tumakbo para sa ikalimang termino.

Samantala, ipinagpaliban na rin ni Bouteflika ang presidential elections sa April 18.

Walang sinabing petsa para sa eleksyon ngunit magkakaroon anya ng balasahan sa gabinete sa lalong madaling panahon.

Kasabay nito ay inanunsyo naman ni Prime Minister Ahmed Ouyahia ang kanyang pagbibitiw sa pwesto.

Agad itong pinalitan ni Interior Minister Noureddine Bedoui na naatasang bumuo ng constitutional reforms.

Read more...