Claudine at Gretchen Barreto bati na

By Rhommel Balasbas March 12, 2019 - 12:52 AM

Claudine Barretto IG

Tila sinusulit ng magkapatid na Claudine at Gretchen Barretto ang panahong magkasama matapos ang ilang taong alitan.

Matatandaang umabot pa sa korte ang reklamo ng dalawa sa isa’t isa.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Claudine ang video kung saan naglalakad sila ni Gretchen sa isang mall.

Magkapit-bisig pa ang dalawa, nagyakapan at naghalikan sa pisngi.

Nakakataba naman ang puso ng caption ng nakababatang Barretto sa kanyang post na “I love the way you love me”.

Ilang linggo nang nakikita ang gumagandang relasyon ng dalawa matapos maospital si Claudine kung saan pinasalamatan niya ang kanyang ate.

Sa birthday naman ni Gretchen kamakailan ay sinurpresa siya ni Claudine.

 

View this post on Instagram

 

I Love the way You Love Me @gretchenbarretto 👯 Thank you 🤗😘🥰

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on Mar 9, 2019 at 9:53am PST

TAGS: Barretto sisters, Claudine Barretto, Gretchen Barretto, Barretto sisters, Claudine Barretto, Gretchen Barretto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.