Kidapawan City makakaranas ng 2-3 oras na brownout

By Chona Yu November 29, 2015 - 02:14 PM

brownout
Inquirer file photo

Makararanas ng rotational brownout ng dalawa hanggang tatlong oras kada araw ang Kidapawan City.

Ayon sa Cotabato Electric Cooperative, mararanasan ang rotational brownout hanggang sa ikalawang linggo ng Disyembre.

Paliwanag ng COTELCO, ang power outages sa Therma South Incorporated Powerplant sa Toril District sa Davao City ang dahilan kung kaya makararanas ng rotational brownout ang Kidapawan.

Nabatid na kinukulang ng sa 130 megawatts ng suplay ng kuryente ang Mindanao grid dahil sa power outages sa Davao.

Dagdag ng COTELCO, sumasailalim din ngayon sa preventive maintenance ang Therma Marin Incorporated sa Maco, Compostela Valley.

TAGS: rotational brownout, rotational brownout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.