Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 92 kilometers Northeast ng bayan ng Guiuan, alas-2:36 umaga ng Martes, March 12 at may lalim na 34 kilometers ang pagyanig.
Naitala naman ang magnitude 3.3 na lindol sa 264 kilometers Southeast ng bayan ng Sarangani sa lalawigan ng Davao Occidental, alas-4:02 ng umaga at may lalim na 5 kilometers.
Samantala, niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bayan ng Nasugbu sa lalawigan ng Batangas.
Tectonic ang origin ng tatlong pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.