Magkakasunod na pagyanig naitala sa Eastern Samar, Davao Occidental at Batangas
Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang bayan ng Guiuan sa lalawigan ng Eastern Samar.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 92 kilometers Northeast ng bayan ng Guiuan, alas-2:36 umaga ng Martes, March 12 at may lalim na 34 kilometers ang pagyanig.
Naitala naman ang magnitude 3.3 na lindol sa 264 kilometers Southeast ng bayan ng Sarangani sa lalawigan ng Davao Occidental, alas-4:02 ng umaga at may lalim na 5 kilometers.
Samantala, niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bayan ng Nasugbu sa lalawigan ng Batangas.
Naitala ang pagyanig sa 16 kilometers Southwest ng bayan ng Nasugbu, alas-4:11 ng umaga at may lalim na 220 kilometers.
Tectonic ang origin ng tatlong pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.