Frontal system nakakaapekto sa extreme northern Luzon
Apektado ng tinatawag na ‘frontal system’ ang extreme northern Luzon.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, dahil sa frontal system, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Batanes Group of Islands at Cagayan.
Pulo-pulong mahihinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Isabela, Aurora at Quezon.
Sa nalalabing bahagi naman ng Luzon at buong Visayas ay makararanas ng maalinsangan na panahon at mababa ang tyansa ng pag-ulan.
Mayroon namang biglaang buhos ng ulan, pagkulog at pagkidlat sa buong Mindanao lalo na sa hapon o gabi.
Magandang balita naman sa mga mangingisda dahil walang nakataas na gale warning sa mga baybaying dagat sa buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.