Negosyanteng big-time supplier ng ectasy patay sa engkwentro sa Maynila

By Rhommel Balasbas March 12, 2019 - 04:23 AM

Nauwi sa engkwentro ang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isang condominium building sa Sta. Cruz, Maynila.

Patay ang negosyanteng kinilalang si Steve John Pasion.

Ayon kay PDEA-NCR Director Joel Plaza, si Pasion ang pinakamalaking supplier ng ectasy sa Metro Manila.

Target umano ng suspek ay mga estudyante at mga modelo.

Sa buy-bust na isinagawa ng mga operatiba sa parking area ng condo building, nakaramdam umano si Pasion na mga awtoridad pala ang kanyang katransaksyon.

Bumunot umano ito ng baril at nagtangka pang mang-agaw ng armas ng isang pulis kaya’t napatay sa operasyon.

Sa bisa ng search warrant ng pulisya, narekober ang nasa P300,000 halaga ng shabu at ectasy sa sasakyan ni Pasion.

Sinubukan pang isugod sa ospital ang suspek ngunit idineklara ring dead on arrival.

Samantala, arestado rin ang ka-live in partner ni Pasion na hindi nagbigay ng pahayag.

TAGS: biggest supplier of ecstasy in Metro Manila, NCRPO-RDEU, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), biggest supplier of ecstasy in Metro Manila, NCRPO-RDEU, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.