Taas-presyo sa gasolina, epektibo na ngayong umaga

Simula alas-6:00 ngayong umaga ay epektibo na ang dagdag-presyo sa gasolina ng mga kumpanya ng langis.

Sa abiso ng Shell, Petro Gazz, Caltex, Total, PTT Philippines, Jetti, Flying V, Petron at Eastern Petroleum, madaragdagan ng P0.90 ang kada litro ng kanilang gasolina.

Wala namang price movement sa kanilang diesel at kerosene.

Ito na ang ikalimang sunod na linggong pagtaas sa presyo ng gasolina.

Ang pagmahal ng presyo ng gasolina ay bunsod ng pagtaas sa halaga nito sa world market.

Read more...