Suplay ng kuryente sa tag-init sapat ayon sa DOE
Hindi magkakaroon ng shortage sa suplay ng kuryente sa tag-init ayon sa Department of Energy.
Ito ay sa kabila ng nangyayaring kakulangan sa suplay ng tubig at tatlong beses na Yellow Alert o pagnipis ng reserba sa Luzon Grid.
Pagtitiyak ni Energy Usec. Felix William Fuentebella, walang mangyayaring krisis sa kuryente dahil base sa monitoring ng kagawaran ay sapat ang suplay para rito.
Samantala, tinitingnan na ng Energy Department kung may nangyaring kunstabahan matapos ang sabay-sabay na pagpalya ng mga planta noong nakaraang linggo dahilan para itaas sa Yellow Alert ang Luzon Grid.
Pinayuhan na rin ng DOE ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at Manila Electric Company o Meralco na huwag ianunsyo kung numinipis ang reserba ng kuryente dahil nakakaapekto ito sa pagtaas ng presyo ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.