3 ‘carnapper’ patay sa engkuwentro sa Antipolo City

By Rhommel Balasbas March 12, 2019 - 03:07 AM

Patay sa engkuwentro ang tatlong hinihinalang carnapper sa Marcos Highway, Antipolo City bandang alas-10:30 ng gabi ng Lunes.

Nakilala ang isa sa mga supek na si Rammil Escio alyas ‘RonRon’ na sinasabing lider ng isang notoryus na sindikato habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa niyang kasamahan.

Ayon kay Antipolo Police Chief Supt. Villaflor Banawagan, sangkot ang mga suspek sa gun for hire, pagtutulak ng droga at carnapping.

Nasa likod din umano ang tatlo sa pagpatay sa isang traffic enforcer at bodyguard ng isang punong baranggay.

Kagabi, habang nagsasagawa ng checkpoint, isang sumbong ang natanggap ng Antipolo Police at Highway Patrol Group (HPG) tungkol sa pagnanakaw ng taxi ng tatlong suspek.

Tinugis ng mga pulis sina Escio at kanyang mga kasamahan ngunit nanlaban ang mga ito na dahilan ng agaran nilang pagkamatay.

Narekober sa crime scene ang taxi at mga baril kabilang ang shotgun, kalibre .38, at 9mm caliber.

TAGS: Antipolo City, Carnapper, notorious syndicate, Rizal, Antipolo City, Carnapper, notorious syndicate, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.