Bata patay matapos painumin ng muriatic acid ng ama sa Maynila

By Rhommel Balasbas March 12, 2019 - 02:43 AM

Nasawi ang isang apat na taon na gulang na bata matapos painumin ng muriatic acid ng sariling ama sa Tondo, Maynila, araw ng Lunes.

Kinilala ng pulisya ang tatay ng biktima na si Rhandyl Cruz, 43 anyos na kalauna’y pinagsasaksak naman ang sarili na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ayon kay Police Lt. Col. Carlo Manuel ng Manila Police District, selos ang ugat ng krimen.

Nagbanta umano si Cruz sa kanyang asawang si Pauline, isang Overseas Filipino Worker (OFW), na papatayin niya ang kanilang anak dahil sa pangangabit umano nito.

Ang 17-anyos na anak na lalaki ni Cruz, 16-anyos na live-in-partner at tiyahin nila ang nakadiskubre sa krimen at iniulat ito sa mga pulis.

Narekober sa crime scene ang kitchen knife na may habang 12 inches, suicide note ni Cruz at isang bote ng muriatic acid.

Isasailalim sa counseling ang ina at kapatid ng biktima.

TAGS: Manila Police District (MPD), muriatic acid, selos, Manila Police District (MPD), muriatic acid, selos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.