Abp. Villegas at 3 pari, nakatanggap din ng death threats

By Rhommel Balasbas March 12, 2019 - 02:18 AM

Bukod kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, nakatanggap din ng banta sa buhay sina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at tatlong pari.

Ang mga pari ay sina Fr. Robert Reyes, Fr. Flavie Villanueva at Fr. Albert Alejo.

Ibinunyag ng tatlong pari ang tungkol sa death threats sa isang press conference sa St. Vincent School of Theology sa Quezon City, araw ng Lunes.

Ibinahagi ni Alejo ang mga bahagi ng death threats na natanggap niya at nina David at Villegas.

Nanawagan ang pari sa mga utak ng pagpatay na itigil na ang masamang gawaing ito.

Samantala, ipinakita naman ni Villanueva ang isang CCTV footage kung saan mayroong isang lalaking may cover sa mukha ang nagmamanman sa labas ng kanyang opisina sa Sta. Cruz, Maynila.

Nanawagan din si Reyes na itigil ang pananakot at pagpatay kasabay ng paninindigan na hindi sila matatakot sa mga banta sa kanilang buhay.

Nanawagan si Reyes sa administrasyong Duterte na ihinto na ang kabi-kabilang patayan.

Hinimok din ng tatlong pari ang publiko na patuloy na ipagtanggol ang kanilang mga karapatan at manindigan laban sa karahasan at paglabag sa karapatang pantao.

TAGS: death threats versus Catholic priests and bishops, Fr. Flavie Villanueva at Fr. Albert Alejo, Fr. Robert Reyes, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, death threats versus Catholic priests and bishops, Fr. Flavie Villanueva at Fr. Albert Alejo, Fr. Robert Reyes, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.