CHR kinondena ang malagim na pagpatay sa 16 anyos na dalagita sa Lapu-Lapu City
Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang nakagigimbal na pamamaslang sa isang 16-anyos na dalagita sa Lapu-Lapu City.
Ang biktimang si Christine Silawan ay natagpuan na walang buhay, tadtad ng saksak, walang saplot pang-ibaba at binalatan din ang kanyang mukha.
Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na walang sinuman ang nararapat na makaranas ng kahalintulad na karahasan lalo na ang isang inosenteng bata.
“The Commission on Human Rights strongly condemns the brutal rape-slay committed against a 16-year old girl in Sitio Mahayahay, Barangay Bangkal, Lapu Lapu City. No one deserves to suffer from such violence, especially that the victim is an innocent child,” ayon sa CHR.
Ang ginawa umano kay Silawan ay pambabastos sa dignidad ng tao at dapat maparusahan ang nasa likod nito.
Dahil dito, bubuo ang CHR-Region 7 ng Quick Response Team para tumulong sa imbestigasyon sa pangyayari at pagpapanagot sa mga kriminal.
“This act desecrates human dignity and must be punished. To this end, CHR-Region VII will be dispatching a Quick Response Team to help in the investigation and in pursuing all perpetrators of the said crime,” dagdag ng ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.