16-anyos na babae natagpuang patay; mukha binalatan

By Rhommel Balasbas March 12, 2019 - 01:59 AM

AJ Malingin

Natagpuan ang bangkay ng isang 16-anyos na babae sa isang bakanteng lote sa Sitio Mahayahay, Barangay Bankal, Lapu-Lapu City, Cebu, araw ng Lunes.

Tumambad sa mga tao ang mga labi ng dalagita na kinilalang si Christine Silawan, nagsisilbi bilang kolektor sa simbahan.

Kalunos-lunos ang sinapit ng biktima dahil wala itong pang-ibabang saplot nang matagpuan at binalatan din ang mukha dahilan para makita na ang kanyang bungo.

Nagtamo rin ito ng mga saksak na hinihinalang mula sa ice pick at ayon sa pulisya ay posible ring ginahasa.

Ayon sa ina ng biktima, nagpaalam ang kanyang anak para mag-serve sa simbahan sa Barangay Pajac bandang alas-4 ng hapon ng Linggo.

Gayunman, hindi agad ito nakabalik at magdamag nilang pinaghahanap.

Patuloy na inaalam ang motibo sa krimen at nasa mga nasa likod nito.

Ayon naman kay Lapu-Lapu City Police Chief Police Colonel Limeul Obon, kabilang sa kanilang tinitingnan ay kung nasa impluwensya ng droga ang mga pumatay sa biktimang dalagita.

TAGS: Christine Silawan, Lapu-Lapu City, Christine Silawan, Lapu-Lapu City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.