Duterte sa kanyang misogynistic remarks: It’s my freedom of expression

By Rhommel Balasbas March 12, 2019 - 01:14 AM

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sarili matapos ang mga kritisismong natanggap dahil sa kanyang umano’y pagiging misogynist.

Sa kanyang talumpati sa awarding ceremony para sa Outstanding Women in Law Enforcement and National Security of the Philippines (OWLENSP) sa Malacañang, sinabi ng pangulo na inaalisan siya ng mga kababaihan ng kalayaang ipahayag ang saloobin.

Binatikos ni Duterte ang kritisismo na natatanggap mula sa kababaihan sa kanyang bawat pahayag.

“You know, you women you deprived me of my freedom of expression. Hindi ko sinasabi sa inyo ‘yan. But you criticize every sentence or word I say,” ani Duterte.

Apela ni Duterte, kahit siya ay pangulo, siya rin ay isang ordinaryong mamamayang Filipino.

“But that is my freedom to express myself. Even if I am just a President, do not take me away from the crowd of being a Filipino citizen”, giit ng presidente.

Ayon sa pangulo, sinasadya niya ang kanyang mga pahayag at ito’y freedom of expression.

“Kaya mga gaga kayo it’s the freedom of expression. Kaya ko sinasadya ko ganoon.

Muli namang binanatan ng presidente ang kanyang mga babaeng kritiko at tinawag ang mga ito na ‘reject’ ng mga pari.

Matatandaang inaakusahan ni Duterte ang mga pari na nang-aabuso ng mga kababaihan partikular ng mga madre.

Samantala, kumambyo naman ang presidente at sinabing kahit kailan ay hindi siya nambastos ng kahit sino.

Anya, mahal niya ang kababaihan at makikita naman na dalawa ang kanyang asawa patunay na gusto niya ang mga babae.

“Basta ako mahal ko ang babae. Kaya nga makita mo naman dalawa ang asawa ko. Ano pa ba namang… Ibig sabihin talagang gusto ko ang babae,” giit ng presidente.

“Hindi sabihin na gusto kong galawin — gusto ko… Gusto ko lang ang babae. It’s not because when I say that I like women that I want to despoil or dishonor,” dagdag ni Duterte.

TAGS: misogynist, misogynistic remarks, Outstanding Women in Law Enforcement and National Security of the Philippines (OWLENSP), Rodrigo Duterte, misogynist, misogynistic remarks, Outstanding Women in Law Enforcement and National Security of the Philippines (OWLENSP), Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.