WATCH: GDP ng bansa dadausdos kapag nagpatuloy ang reenacted budget ayon kay Duterte

By Chona Yu March 12, 2019 - 01:16 AM

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya lalagdaan ang anumang dokumento na illegal.

Pahayag ito ng pangulo sa gitna ng iringan ng Senado at Kamara sa pambansang pondo.

Ayon sa pangulo, tiyak na dadausdos ang Gross Domestic Product o GDP kapag nagkaroong muli ng reenacted budget.

Dagdag ng pangulo, tiyak aniyang magiging pahirap sa lahat kapag hindi naaprubahan ang budget.

Una rito, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na maaring abutin pa ng hanggang Agosto ang reenacted budget dahil sa patuloy na pagmaniobra ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa pambansang pondo.

TAGS: 2019 national budget, reenacted budget, 2019 national budget, reenacted budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.