Trail ng Mt. Apo isasara sa Abril 1 dahil sa El Niño

By Angellic Jordan March 12, 2019 - 12:00 AM

Pansamantalang isasara ng munisipalidad ng Sta. Cruz ang trail ng Bundok Apo simula Abril 1.

Ayon kay Sta. Cruz Tourism officer Julius Paner, ito ay bunsod ng epekto ng El Niño.

Nais aniya ng pamahalaang lokal ang agarang implementasyon ng closure order para maiwasan ang forest fire sa bundok at maprotektahan ang mga mountaineer laban sa matinding init ng panahon.

Hahayaan naman aniya ang mga maagang nakapag-book ng tour sa Mount Apo hanggang March 31.

Samantala, hindi pa tiyak ang petsa kung kailangan tatanggalin ang temporary closure order dahil pagbabasehan ng pamahalaang lokal ang abiso ng PAGASA ukol sa El Niño.

TAGS: El Niño, Mt. Apo trail, Municipality of Sta. Cruz, El Niño, Mt. Apo trail, Municipality of Sta. Cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.