P2.7M halaga ng shabu nasamsam sa buy-bust sa Maynila

Nadiskubre ang nasa P2.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Malate, Manila.

Naaresto ng Manila Police District (MPD) ang mga suspek na sina Yasser Haron, Kaharodin Galay, Tata Macmod at Smokey Musa.

Ayon sa pulisya, nahuli ang mga suspek noong March 8 at sumailalim sa inquest proceedings sa Manila City Prosecutor’s Office noong araw ng Linggo.

Nakuha ng mga otoridad sa operasyon ang siyam na medium-sized packs ng shabu na may bigat na 397.26 grams.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...