2019 national budget handa na para sa lagda ng pangulo
Inaasahang isusumite na ngayong araw ng Kongreso ang panukalang 2019 national budget sa Malacañang para lagdaan ng pangulo.
Ayon kay House Appropriations Committer Chair Rolando Andaya, nasa Senado na ang printed copy ng General Appropriations Bill at kapag nalagdaan ay saka ipapadala kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagtataka ang mambabatas kung bakit ngayon lamang na naimprenta na ang budget ay saka lamang lumalabas ang reklamo.
Dapat sana ay noon pang tinatalakay sa Kamara at Senado o kaya ay inilabas na ang mga reklamo.
Iginiit naman ni Andaya na kung may mga reklamo ang mga kongresista sa panukalang budget ay Kamara dapat magreklamo at hindi sa kung saan-saan.
Muli naman nitong sinabi na maaring i-veto ng pangulo ang bahagi ng budget na tingin nito ay “constitiutionally infirm at legally flawed.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.