Nilinaw ng Malacañang na hindi sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi kusang nagbitiw sa puwesto si dating Philippine Charity Sweepstakes (PCSO) General Manager Alexander Balutan.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagbitiw si Balutan dahil sa delicadeza ukol sa matinding korapsyon sa PCSO.
Nilinaw ng kalihim na natanggap ng Office of the President ang resignation letter ni Balutan matapos ianunsyo na sinibak siya sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Humihiling aniya si Balutan kay Duterte na magkaroon ng patas at impartial na imbestigasyon para lumabas ang katotohanan.
Una rito, sinabi ni Panelo na sinibak ng pangulo si Balutan dahil sa isyu ng korapsyon pero ayon sa tagapagsalita ng PCSO ay nagresign si Balutan.
“The said written communication was, however, formally received by the OP only after the Palace has already announced his cessation from office. We hope this sets the record straight on the timeline of what transpired”, ayon pa kay Panelo.