Magaling ang propaganda team ni Duterte ani Trillanes

trillanes
Inquirer file photo

Naniniwala si Senador Antonio Trillanes IV na propaganda lamang ang urong-sulong na pagtakbo sa panguluhang halalan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Aniya, nagpa-survey pa nga ang kampo ni Duterte nuong Nobyembre a-onse at dose para alamin ang pulso ng taumbayan sa kanyang magiging kandidatura.

Bagaman paborable aniya kay Duterte ang resulta ng survey ay hindi naman iyon nangangahulugan na popular na siya sa buong bansa.

Pero aminado si Trillanes na magaling ang mga trumabaho para pasikatin ang alkalde.

Naging taktika rin aniya ng kampo ni Duterte na maghintay sa naging desisyon ng Senate Electoral Tribunal bago tuluyan kumpirmahin ang kanyang pagsabak sa National Elections.

Read more...