Sotto: Senado di pinakialaman ang laman ng 2019 national budget

Pumalag si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa mga bintang na nagkaroon ng realignments sa panukalang budget para sa 2019 makaraang pagtibayin ito ng bicameral conference committte report.

Sinabi ni Sotto na mali ang naging akusasyon ni House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr. na ginalaw nila ang pinagtibay na budget sa pamamagitan ng insertions.

Ipinaliwanag pa ng pinuno ng Senado na naipaliwanag na rin niya ang nasabingisyu sa  Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO), Senate finance Committee Chair Loren Legarda pati na rin kay Sen. Ping Lacson na siyang masigasig sa pagsilip sa mga isinisingit na pork sa budget.

Sagot ito ni Sotto sa akusasyon ni Andaya na umaabot sa P75 Billion ang isiningit sa pambansang pondo para sa mga proyekto ng ilang senador.

Hiningan rin ng paliwanag ni Andaya ang liderato ng Senado hingil sa nasabing isyu.

Sinabi pa ni Andaya na ibinuhos ang nasabing pondo sa ilang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na tinawag nila bilang institutional ammendments.

Binigyang-diin naman ni Sotto na ang Kamara ang siyang dapat magpaliwanag hingil sa P79 Billion na umano’y resulta ng ginawang realignment ng ilang kongresista.

Nanindigan rin si Sotto na hindi siya pipirma sa bicameral committee report sa panig ng Senado kung may naidagdag sa naunang inilatag na pondo.

Read more...