Iloilo Hall of Justice nakatanggap ng bomb threat

By Angellic Jordan March 11, 2019 - 04:50 PM

Contributed photo

Nabulabog ang mga empleyado sa Iloilo Hall of Justice dahil sa bomb scare, Lunes ng umaga.

Sa ulat ng iloilo City Police Office, isang lalaki ang tumawag sa Public Attorneys Office pasado alas-otso ng umaga at sinabihan ang isang staff member na lumikas dahil mayroon umanong inilagay na bomba sa Chief Justice Ramon Q. Avanceña Hall of Justice.

Agad nagsagawa ng operasyon ang police explosive and ordnance team sa gusali.

Wala namang natagpuan na anumang klase ng pampasabog sa lugar.

Dahil dito, bumalik sa normal ang operasyon sa gusali bandang alas diyes ng umaga.

Sa ngayon, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tumawag na lalaki at ang motibo sa bomb threat.

TAGS: Bomb threat, Hall of Justice, Iloilo, Bomb threat, Hall of Justice, Iloilo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.