Pangulong Duterte naghahanap ng safeguard kaya tinutulan ang paggamit sa marijuana sa medical use
Maaring naghahanap lamang ng safeguards si Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya nagbago ang isip nito at ayaw na sa legalisasyon sa marijuana para sa medical use.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, maari kasing maabuso ang paggamit ng marijuana kung walang nakalatag na safeguards sa paggamit nito.
Gayunman, sinabi ni Panelo na lilinawin niya muna sa pangulo kung outright ang pagtutol nito sa medical marijuana use.
Una rito, pabor ang pangulo na gamitin ang marijuana sa paggamot ng ilang sakit subalit noong nakaraang linggo lamang ay nagbago ang isip nito at sinabing hindi na siya pabor sa paggamit nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.