11 barangay sa QC nadagdag sa listahan ng mga deklaradong drug-cleared barangays

Labingisa pang barangay ang dineklara ng Quezon City anti-drug advisory council na ‘drug-cleared’ o malinis na sa illegal drugs.

Ayon kay Quezon City Police District Director C/Supt. Joselito Esquivel Jr. nasa 30 pa lamang na barangays mula sa kabuuang 142 barangay sa QC ang drug-cleared.

Aminado si Esquivel na malayo pa ang lalakbayin ng QCPD at local government units bago tuluyang malinis ang lungsod sa pagkalat ng ilegal na droga.

Kabilang sa mga bagong drug cleared barangays ay ang Brgy. Masagana, Camp Aguinaldo, Blue Ridge A, Marilag, White Plains, St. Ignatius, Escopa 1, Ugong Norte, Dioquino Zobel, Don Nanuel at San Agustin.

Ayon naman kay QC Vice Mayor Joy Belmonte na ang pagiging drug-free ng 30 barangay sa lungsod ay dahil na rin sa patuloy na drug clearing operations at pagharap mg lungsod sa probema ng droga sa pamamagitan ng ibat-ibang mga programa para sa mga drug surrenderees.

Si Vice Mayor blBelmonte ang chairman ng Quezon City anti-drug abuse advisory council.

Read more...