Kalidad ng edukasyon sa bansa, nakasalalay sa sweldo ng mga guro – Sen. Angara
Sinabi ni Senator Sonny Angara kung nais ng gobyerno na mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan dapat ay itaas ang sahod ng mga guro.
Ayon kay Angara para magkaroon ng mga de-kalidad na mga guro dapat ay maganda ang pasuweldo at benepisyo.
Ngunit nilinaw ng senador na batid niya na hindi naman pera ang motibasyon ng mga guro dahil marami sa kanila ang taos-puso ang paglilingkod ngunit hindi naman aniya martir ang mga ito at nararapat lang na pahalagahan din sila.
Una nang ipinangako ni Pangulong Duterte na bibigyan umento ang mga pampublikong guro at umaasa si Angara na ang dagdag sahod ay katumbas ng kanyang hinihingi sa inihain niyang Senate Bill No 135 o malapit dito.
Sa panukala ni Angara, nais nito na umakyat sa P42,000 ang buwanang sahod ng mga guro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.