20 arestado Caraga sa nakalipas na weekend

By Dona Dominguez-Cargullo March 11, 2019 - 10:38 AM

Arestado ang aabot sa 20 katao na pawang wanted persons sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa sa Caraga Region nitong weekend.

Ayon kay PRO 13 Regional Director Chief Supt. Gilberto Cruz, ang mga dinakip ay pawang naaresto sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ng iba’t ibang korte.

Isinagawa ang pagdakip sa kasagsagan ng anti-criminality campaign ng PRO 13.

Kasabay nito, hinikayat ni Cruz ang mga residente sa rehiyon na suportahan ang kampanya kontra krimen ng pulisya at agad isumbong sa kanila ang mga kahina-hinalang kilos at bagay sa kanilang lugar.

Magpapatuloy pa ang “Operation Manhunt” sa rehiyon laban sa mga nasa listahan nila ng wanted persons.
Isinagawa ang pagdakip sa kasagsagan ng anti-criminality campaign ng PRO-13.

TAGS: anti-criminality campaign, Caraga, wanted persons, anti-criminality campaign, Caraga, wanted persons

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.