Ito ang sinabi ni Manila Water Communications Manager Dittie Galang sa panayam ng Radyo Inquirer sa gitna ng nararanasang kakapusan ng tubig ngayon sa maraming barangay sa Metro Manila at mga bayan sa Rizal.
Ayon kay Galang, buong summer season na tatagal ang ipinatutupad nilang contingency plan o hangga’t walang nararanasang mga pag-ulan
Sa ngayon ang tanging maipapangako aniya nila ay ang piliting maiwasan na may mga barangay na makararanas ng 24 na oras na walang suplay ng tubig.
Hindi pa kasi napupuno ang kanilang reservoir sa San Juan, dahilan kaya higit na apektado ang Mandaluyong at Pasig.
Panawagan naman muli ng Manila Water sa publiko, ipunin lang ang tubig na kailangan nila para sa isang buong araw dahil araw-araw naman ay may oras na sila ay magkakaroon ng tubig.