Suspek sa pagpatay sa negosyanteng si Dominic Sytin arestado; nakababatang kapatid ng biktima itinurong mastermind

By Dona Dominguez-Cargullo March 11, 2019 - 09:41 AM

Inquirer.net Photo | Cathrine Gonzales

BREAKING: Naaresto na ang gunman sa pagpatay sa negosyanteng si Dominic Sytin.

Ang suspek na si Edgardo Luib alyas ‘inject’ ay nadakip sa Batangas noong March 5 sa bisa ng dalawang warrant of arrest para sa kasong murder.

Ngayong umaga, iniharap si Luib sa press conference sa Camp Crame ni PNP Chief Oscar Albayalde.

Nakuha mula sa suspek nang siya ay madakip ang isang carbine rifle, isang cal. 45, isang cal.. 40 Glock at 1 malaking sachet ng marijuana.

Maliban sa kasong murder, ipinagharap na rin siya ng kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9165.

Si Sytin ay tinambangan sa Subic, Zambales noong Nov. 2018.

Ayon sa pahayag ng naarestong suspek, sinabi ni Albayalde itinuro nitong mastermind sa pagpatay kay Sytin ang nakababatang kapatid ng bitkima.

Ito ay dahil umano sa away ng magkapatid na may kaugnayan sa negosyo.

TAGS: Dominic Sytin, gunman, Murder, Radyo Inquirer, Subic, suspek, Dominic Sytin, gunman, Murder, Radyo Inquirer, Subic, suspek

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.