Water Level sa Angat Dam mananatiling normal hanggang Mayo

Mananatiling normal ang water elevation sa Angat Dam hanggang sa buwan ng Mayo.

Ito ang sinabi ni PAGASA Hydrologist Aileen Abelardo sa panayam ng Radyo Inquirer.

Ang Angat Dam ay nagsusuplay ng tubig sa La Mesa Dam na pinagkukuhanan naman ng tubig ng Manila Water para sa mga consumer nito sa Metro Manila at mga kalapit na bayan sa Rizal.

Umaabot sa 46 cubic meters per second ang isinusuplay ng Angat sa La Mesa Dam.

Sinabi ni Abelardo, kayang makaabot ng buwan ng Mayo bago sumapit sa low level na 180 meters ang level ng tubig sa Angat.

Magkakaroon na lang aniya ng problema sa Angat kung pagsapit ng Mayo ay hindi pa rin makararanas ng mga pag-ulan.

Sa ngayon ay nasa 200.59 meters pa ang water level sa Angat Dam.

Read more...