Wala nang balak ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na imbestigahan pa si dating PCSO General Manager Alexander Balutan.
Ito ay kahit sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Balutan dahil sa isyu ng kurapsyon Paliwanag ni PACC Commissioner Manuelito
Luna, moot na ang kaso ni Balutan dahil nadismis na ito sa serbisyo.
Bukod dito, sinabi ni Luna na wala ring natanggap ang PACC na reklamo bago pa man sinibak ni Duterte si Balutan.
Nabatid na sa nakalipas na anim na buwan, 411 documents at reports ang natanggap na reklamo ng PACC, kung saan 59 dito ang verifiable complaints.
Aabot naman sa 50 hanggang 80 na government officials ang iniimbestigahan ngayon ng PACC.
Pero tumanggi na si Luna na tukuyin kung sinu-sinong mga opisyal ng gobyerno ang kanilang iniimbestigahan ngayon.