Pacquiao, hindi iiwan si VP Binay

By Chona Yu November 29, 2015 - 10:52 AM

pacquiao-binay
Inquirer file photo

Tiniyak ni Pambansang Kamao at Saranggani Rep. Manny Pacquiao na hindi niya iiwan si Vice President Jejomar Binay sa darating na 2016 elections.

Ito ay kahit na inihayag pa ni Presidential aspirant at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kasama sa kanyang senatorial line up si Pacquiao.

Ayon kay Pacquiao, mananatili ang kanyang suporta kay Binay at sa United Nationalist Alliance.

Tiniyak pa ni Pacquiao na all out support siya kay Binay dahil sa naniniwala siya sa mga plataporma nito lalo na ang pagtulong sa mga mahihirap.

Paliwanag ni Pacquiao, kailangan niyang maging tapat at manindigan sa isang partido para pagkatiwalaan ng mga botante.

Sinabi naman ni Binay na isang malaking karangalan na mapanatili sa kanyang partido ang senatorial aspirant at pambansang kamao na si Pacquiao.

TAGS: MannyPacquiao, UNA, VP Binay, MannyPacquiao, UNA, VP Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.