Ngayong umaga ng Lunes ng umaga March 11, 2019 nasa 68.93 meters ang antas ng tubig sa La Mesa Dam.
Mas bumaba pa ito kumpara sa 69.02 meters na water level nito kahapon ng alas 6:00 ng umaga.
Ang Angat Dam naman na nagsu-suplay din ng tubig sa La Mesa dam ay nabawasan din ng .38 meters ang tubig.
Mula sa 200.97 meters kahapon at 200.59 meters ang water level nito ngayong umaga.
Patuloy ang pagpapatupad ng contingency plan ng Manila Water sa malaking bahagi ng Metro Manila at Rizal dahil sa patuloy na pagbaba ng level ng tubig sa La Mesa Dam.
MOST READ
LATEST STORIES