Natitirang kuta ng ISIS sa Syria inatake ng US-backed Syrian Democratic Forces

By Dona Dominguez-Cargullo March 11, 2019 - 07:38 AM

Nagsagawa ng pag-atake ang US-backed Syrian Democratic Forces sa pinaniniwalaang natitirang kuta ng Islamic State sa eastern Syria.

Layon nitong masawata na ng tuluyan ang ISIS sa lugar,.

Naglunsad ng airstrikes at nagpaulan ng mortar fire sa naturang bahagi ng Syria.

Ayon kay SDF spokesman Mustafa Bali, tinatarget ng kanilang mga aircraft ang depot ng armas ng mga rebelde.

Noong Linggo ng umaga, sinabi ni Bali na natapos na ang deadline na ibinigay nila sa ISIS para sumuko ang mga ito.

Magsasagawa na aniya ng pag-atake ang kanilang pwersa at pupulbusin na ang nalalabing ISIS sa kanilang kuta.

TAGS: eastern Syria, ISIS, syria, Syrian Democratic Forces, eastern Syria, ISIS, syria, Syrian Democratic Forces

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.