Pagsasaayos ng runway sa NAIA maagang matatapos

By Dona Dominguez-Cargullo March 11, 2019 - 06:40 AM

Sa halip na sa buwan pa ng Hulyo ay mas mapapaaga ang tapos ng iaayos na runway sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, sa March 15 ay inaasang matatapos na ang repair at overlay sa runway 06/24.

Umabot sa P704 million ang halaga ng pagkumpuni sa nasabing runway.

Kabilang sa isinagawa ay ang runway pavement, total asphalt overlay, repair at asphalt overlay at restoration ng runway pavement markings.

Inayos din ang electrical sa runway at naglagay ng dagdag na mga ilaw.

Ipinatupad ang maintenance closure sa nasabing runway upang maisakatuparan ang pagsasaayos nito.

Naging dahilan ito para mabawasan o magre-schedule ng biyahe ang ilang airline companies.

TAGS: dotr, MIAA, NAIA, Radyo Inquirer, Rinway, dotr, MIAA, NAIA, Radyo Inquirer, Rinway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.