Ginebra wagi kontra Phoenix sa PBA Cup; umabante sa 4-3

By Rhommel Balasbas March 11, 2019 - 01:11 AM

Sa kabila ng gitgitang laban ay nanalo ang Ginebra kontra Phoenix sa sa iskor na 100-97, sa Smart Araneta Coliseum Linggo ng gabi.

Agresibo ang Gin Kings para manalo kontra sa nangungunang koponan ngayong season.

Ito na ang ikaapat na panalo ng Ginebra sa pitong laro.

Pinangunahan ni LA Tenorio ang opensa ng Ginebra at nagtala ng 23 points, eight rebounds at five assists habang si Aljon Mariano ay nagdagdag ng 20 points at nine rebounds.

Bagaman apat na puntos lang ang naitala, ang two free throws ni Jervy Cruz sa natitirang 53 seconds ay nagbigay ng lamang sa Gin Kings.

Pinangunahan naman ni Calvin Abueva ang Fuel Masters sa kanyang 15 points at 11 rebounds.

Ito na ang ikalawang talo ng Phoenix sa 10 laro.

TAGS: 2019 PBA Cup, Barangay Ginebra, Phoenix, 2019 PBA Cup, Barangay Ginebra, Phoenix

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.