Extension ng seat sale inanunsyo ng PAL

Pinalawig ng Philippine Airlines (PAL) ang kanilang promo fares para sa selebrasyon ng kanilang ika-78 anibersaryo.

Inunsyo ng flag carrier ang extension ng seat sale araw ng Linggo at ito na anila ang kanilang ‘biggest sale’ sa kasaysayan.

Magdaragdag ang PAL ng isang milyong additional seats na may P78 base fares para sa domestic flights at $78 naman para sa international flights.

Magtatapos dapat ang seat sale kahapon, March 10 ngunit ang booking period ay hanggang sa susunod na Linggo na, March 17.

Ang flying period para sa seat sale ay sa March 16 hanggang December 31, 2019.

Read more...