DILG official handang magbitiw sa pwesto kapag natuloy ang reclamation projects sa Manila Bay

By Rhommel Balasbas March 11, 2019 - 02:48 AM

Nagpahayag ng kahandaang magbitiw sa pwesto si Department of Interior Undersecretary Epimaco Densing III sakaling matuloy ang reclamation projects sa Manila Bay.

Matatandaang noong Pebrero, inanunsyo ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na mayroong 22 aplikasyon para magsagawa ng reclamation sa lugar.

Ayaw ni Densing na mauwi lamang sa reclamation ang pagsusumikap na isaayos muli ang Manila Bay.

Inihalintulad ng opisyal ang dagat sa basong may tubig na kapag nilagyaan ng yelo ay tataas ang tubig.

Anya, babahain ang Metro Manila sakaling ituloy ang reclamation projects.

Kung iba naman anya ang pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bagay na ito ay hindi umano niya kailangang manatili sa kanyang posisyon.

Pero, tiwala si Densing na hindi magdadalawang-isip ang pangulo lalo na sa mga proyekto na hindi nakabubuti sa taumbayan.

Kasalukuyang

TAGS: Department of Interior Undersecretary Epimaco Densing III, Manila Bay, Philippine Reclamation Authority, reclamation projects, Department of Interior Undersecretary Epimaco Densing III, Manila Bay, Philippine Reclamation Authority, reclamation projects

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.